FAQs

Mga Karaniwang Katanungan:

Paano magpakonsulta sa PGH Neuro at iba pang clinic sa PGH (Charity)?

1. Pumunta po sa PGH Outpatient Department sa Padre Faura

2. Pumila nang maaga sa Counter 1 para mabigyan ng blue card (para sa mga new patients) o sa Counter 5 (para sa mga may blue card na)

3. Sa Counter 1 o 5, sabihin kung ano ang ipinapakonsulta at sasabihan kayo  kung saang clinic kayo na-assign

4. Maghintay ng tawag ng doktor sa clinic kung saan kayo pinapunta

Ano ang Blue card at White card?

Blue Card – ID ng pasyente ng PGH, charity man o private

White Card – ID ng mga pasyente ng PGH na “Class D” o indigent, ayon sa pagsusuri ng social worker

Makakakuha ng Blue Card sa unang beses na magpatingin sa PGH.

.

Naka-admit ang pasyente namin sa ibang hospital; gusto namin lumipat sa PGH. Ano gagawin namin?

Charity transfer steps

1. Sabihin sa inyong doktor na gusto ninyong lumipat ng PGH

2. Ang doktor ninyo ang makikipagcoordinate sa mga doktor sa PGH kung maililipat ang inyong pasyente

Private / Pay patient Transfer steps

1. Sabihin sa inyong doktor na gusto ninyong lumipat

2. Kung may kilala kayong PGH doctor, ibigay ang pangalan niya sa inyong doktor upang makapag-usap at makapag coordinate sila.  Kung wala pa kayong kilalang doktor, maaaring tingnan ang ‘Staff’ page ng website upang makita ang listahan ng mga doktor ng Neurosciences.  Maaari ding tumawag sa Neuroscience Office upang magtanong. Tingnan ang ‘Contact Us’ page.

3. Tumawag sa PGH ‘Pay Admitting Unit’ at magtanong kung may bakanteng kwarto. Magtanong na din ng instructions tungkol sa pagpapareserve ng room

4. Maililipat na ang pasyente kung may kwarto na kayo at nakapag coordinate na ang mga doktor ng PGH at ng inyong ospital

.

Naghahanap kami ng doktor… may mai-rekomenda ba kayo…?

Kung sa Charity, pumunta lamang po sa OPD at matitingnan kayo ng doktor o specialist na kailangan. Tingnan sa taas kung paano magpakonsulta.

Kung Private Neurologist o Neurosurgeon ang kailangan, maaari po kayong tumawag sa opisina ng Neuro para makakuha ng contact o clinic information. Tingnan ang ‘Contact Us’ page.

Ano ang clinic schedule ni Dr./Dra. _____?

Kung affiliated sa PGH ang hinahanap nyong doktor, maaari po kayong tumawag sa Neuroscience Dept Office para makakuha ng schedule ng clinic nila.

May Neuropsych / IQ test ba kayo?

Wala pong Neuropsych testing o IQ testing sa Neuroscience Dept.  You may also contact Dept of Rehabilitation Medicine or Dept of Psychiatry.

.

.

Anong mga karamdaman o sakit ang tinitingnan ng Neurologist / Neurosurgeon / Pediatric Neurologist?

Diseases of the brain, spinal cord, nerves and muscles:

Stroke. Infarct. Bleed o hemorrhage. Aneurysm. Arteriovenous malformation o AVM.

Epilepsy.  Seizure. Kombulsyon. Nawawalan ng malay.

CNS infections o mga impeksyon sa utak o spinal cord.  Meningitis. Encephalitis. Abscess. Empyema.

Headache. Sakit ng ulo.

Dizziness. Vertigo.  Pagkahilo.

Brain tumor.  Bukol sa utak.

Traumatic brain injury.  Epidural / subdural hemorrhage.

Congenital malformations of the brain and spinal cord.

Hydrocephalus.

Movement disorders. Parkinson disease.  XDP o Lubag. Dystonia. Tremors. Ataxia.

Dementia.  Alzheimer.  Vascular dementia. Frontotemporal dementia. Prion diseases o CJD.

Polyneuropathy.  Myasthenia gravis.  Guillain-Barre syndrome. Neuropathic pain.  Trigeminal neuralgia.

Multiple sclerosis.  ALS.

Myopathy.  Myositis.

.

.

Anong gamot? Anong dapat gawin? Anong advice?

Hindi po kami nagbibigay sa internet ng specific na advice tungkol sa iba’t ibang sakit. Pinakamagandang makita ang pasyente ng doktor upang makausap at masuri ang kanyang kalagayan. Sorry, we will not answer inquiries asking for advice on specific diseases/ conditions. Thank you.

May problema ako sa puso/ goiter/ tiyan/ dibdib/ bato/ atay/ joints at iba pa…?

Ang PGH Neurosciences ay espesyalista sa utak, spinal cord at nerves. Kung hindi po dito ang inyong karamdaman, maari po kayong pumunta sa PGH-OPD para magabayan/ maituro sa nararapat na clinic. Tingnan sa taas ang “Paano magpakonsulta…”

.

.

Magkano and consultation fee / professional fee ng Neurologist / Neurosurgeon / Pediatric-Neurologist?

Kung sa PGH Charity, wala pong bayad ang doktor.

Kung sa PGH FMAB-UPMC (Private clinic), maaari ninyong tanungin ang clinic secretary ng inyong doktor.

Magkano ang CT scan/ MRI/ Angiography/ blood tests etc…?

Hindi po sakop ng Neuroscience department ang mga tests na ito. Maari ninyong tawagan o i-contact ang Radiology department para sa mga katanungan tungkol sa CT scan, MRI at 4Vessel angiography ng brain.

Magkano ang EEG / EMG/ NCV/ VER/ BAER?

Tingnan po ang “EEG/EMG/NCV rates” page

Magkano ang procedure or surgery?

Hindi po kami nagbibigay ng estimate ng gastos ng operasyon dito sa internet. Pinakamabuting makausap ninyo ang inyong doktor dahil iba-iba po ang kondisyon ng pasyente kaya’t iba-iba din ang maaaring maging gastos ng pagpapa-opera.

.

.

Additional Information for Private Patients:

The UP-PGH Faculty Medical Arts Building is now open. It caters to private patients of PGH doctors. Its Neuroscience clinic is on the ground floor.  It also has laboratory and radiology (CT/MRI) facilities. For more information, visit their site:

http://www.upmc.net.ph/

37 responses

20 07 2011
archibald lucero

We want to see a doctor there in PGH, I heard his/her name over the radio before but I cant recall. My wife is 38 years old and I am 36. we were married for 4 1/2 years now and still longing to have a baby. can you please send me a doctors name that can help us? we want to see a doctor soon… thank you and more power.

24 07 2011
pghneuro

Kindly contact the Department of Obstetrics and Gynecology. They have specialists on Fertility and Fetomaternal Medicine.
You may also opt to consult with a Urologist, specialists in the male reproductive organs. They are under the Dept of Surgery, Division of Urology.
Please see the PGH website for the contact information of their offices.

8 02 2012
mark lester laman

…sakop po ba ng pgh neurosciences ang anxiety disorder???? naggagamot po ba kau ng taong may anxiety disorder??

10 02 2012
pghneuro

Sa Department of Psychiatry po.

14 08 2011
Marrion Kriss Taduran Dacara

good day, magkano po ang rate ng private room sa for neuro cases, at rate po ng sa icu room neuro din po.. pwede po kaki breakdown ng cost.. each for sa icu like cardiac monitor,pulse oximeter,oxygen.and ang bed per day..tbx

14 08 2011
pghneuro

Please contact the Pay Admitting Unit for Private Room rates and ICU bed rate.
There are no private rooms specific for Neuro. Daily costs depend on the specific needs of the patient. Though, you can probably ask the Central ICU regarding rates of specific equipments.
Please see their contact details at the PGH website or call the PGH trunkline.

2 09 2011
yeth

ung patient po namin kelangan maoperahan dahil sa tumor at hydrocephalus, nacheck up na po sya ng neurosurgeon, kailangan na daw po maadmit agad para mprepare yung operation, sa charity maghanda daw kami ng 15K para sa ggamitin ng surgeon sa operation, pagdating namin sa pedia admission, sabi ng doktor pwede daw iadmit ngayon kc priority yung mga ganitong case pero hndi daw sila cgurado kung hindi mahahawa ng ibang sakit dahil siksikan, 3 bata sa isang kama? pwede daw maimpeksyon..kung sa pay ward mghanda ng 10K paunang bayad,…pwede po ba namin mlaman kung mgkano pa yung kelangan namin paghandaan at yung range ng PF ng neuro?

11 09 2011
pghneuro

Mahirap po magbigay ng tamang estimate ng gastos kung hindi po namin alam ang kalagayan ng pasyente. Pero base sa sinabi ninyo sa taas, gusto lang po namin linawin na ang 10K sa Pay Ward ay deposit lamang sa kwarto – hindi kasama ang mga gamot at mga laboratory na mas mahal sa Pay ward kumpara sa Charity ward. At may PF o bayad din ang doktor sa Pay Wards. Kung maooperahan ang pasyente ninyo malaking gastos po ito – malamang higit pa sa 100 to 200k.

15 09 2011
yas

Hi, meduo mahirap po kasi maka contact sa MRI mag iinquire po kasi sana kung how much po ang Cranial MRI w/contrast gadolinium & ung anak ko is 1yr & 5 months, ask ko lang din sana kung how much ang sa anesthesiologist???
Sana po makareply kyo…

Salamat!

16 09 2011
pghneuro

Sira po sa ngayon ang MRI sa PGH. Pwede nyo po sila i-contact upang makapagtanong. Option ninyo na magpa MRI sa Private na PGH-FMAB-UPMC. Tingnan ang FAQs para sa link sa kanilang website.

16 09 2011
Catherine Ruiz

Ano po ang difference ng blue card at white card sa PGH?

Na-diagnose po ang mother ko ng stage 1b cervical cancer at kailangan po siyang ma-schedule ng surgery as soon as possible. Pwede po ba niyang magamit either white or blue card? At kung pwede po gaano katagal ang process at paano.

Sa pagkaka-intindi ko sa instruction sa detalye na naka-provide ay pang regular check-up lang. Sa sitwasyon ngayon, gusto ko pong malaman kung ano ang pwede naming gawin as soon as possible.

Thank you.

5 10 2011
pghneuro

Tingnan po ang updated na FAQs page. Thank you

21 10 2011
khristine jocson

hi mam/sir, inquire ko po sana magkanu nagrrange ang check up ng neurologist niyo pag sa charity or sa private? nsa 1k po ba halos? para lang po my idea kmi pag punta po namin diyan sa lunes.. thanks po

21 10 2011
pghneuro

Wala pong bayad ang doktor sa Charity.
Kung sa private, iba iba po ang professional fee ng bawat consultant, may higit sa 1k at may less than 1k.

15 11 2011
Riza Marquez

paano po ang mag pa speech therapy sa pgh?

29 11 2011
pghneuro

Magpa-check up po muna sa Dept of Rehab at sila ay magrefer sa inyo for speech therapy.

2 12 2011
rossana salomeo

panu po at tuwing kelan ang renewal ng whitecard sa pgh? yung inteview po

2 01 2012
pghneuro

Every year po kailangan magpa interview para sa white card. Pumunta po sa MSS sa OPD.

8 12 2011
Eddielyn D. Banie

Ask ko lang yung case ng osteoma frontal plate. Sa nuero-sureon po ba sya or pwede sya sa ortho surgeon?

2 01 2012
pghneuro

Neurosurgeon

16 12 2011
Jojo Yao

Good day Sir/Madam ask lang po kung meron bang Mechanical Embolus Retrieval in Cerebral Ischemia dito sa PGH?

2 01 2012
pghneuro

Presently not yet available in PGH

30 12 2011
jayson t. motin

my mga requirements pb s pgkuha ng blue / white card

2 01 2012
pghneuro

Makukuha po ang blue card sa unang beses na nagpakonsulta ang pasyente.
Kausapin na lang po ang doktor o nurse sa pagkonsulta tungkol sa white card.

7 01 2012
jayson t. motin

anong oras po b ang start ng pila s pgkuha ng card

9 01 2012
pghneuro

May pumipila na po as early as 5am. Ang desk / counter ay nagbubukas ng mga 7-730am.

18 01 2012
rojolene de guzman

good day! pwede po bang kumuha ng blue card kahit hindi kasama yung patient kasi po semi-paralyzed po siya dahil sa neurofibromatosis sa cervical area? pag nakakuha po ba ng blue card pwedeng the next day na dalhin yung patient or sa schedule ng titingin na doctor sa kanya?

29 01 2012
pghneuro

Makakakuha po ng blue card kung magpapatingin na ang pasyente.

29 01 2012
pghneuro

Tingnan po ang OPD schedule sa website. (outpatient services) Thank you

16 03 2012
celia javier

good day po…

dito po kame sa island nakatira somewhere in visayas..1 year and7 months old na bunso ko, pa neuro clearance ko sna cya kasi po twice na sya ngkaseizure due sa fever…ask ko lang if pwede po to sa inyo sa OPD o mghahanap po kame ng doktor?

thank you!

16 03 2012
pghneuro

You can consult at the Pedia-Neurology clinic of PGH, or consult with any of our Pediatric Neurologist. Please call 5548400 local 2117 to get their clinic schedule. Thank you.

16 05 2012
maria amy buencibello

gud pm po dito po kami sa laoang n.samar,nf1 patient po ang anak ko,naoperahan na po sya brain last 2009.ask ko lang po,paano po uli ang pag renew ng blue card?last na check up po namin july 2010.marerenew po kaya yun?papa check ko po uli sana anak ko.maraming salamat po.

8 07 2012
pghneuro

Pumila lang po sa counter sa OPD lobby.

1 09 2012
thelpadz

good day po!

ask lng po ako,, yong father q po n accident sa saudi, eletric shock po, pa2uwi n po sya here sa atin, kailangan po nmin ng hospital at dr sa neuro na titingin s kanya, ihahatid po ng ambulance galing s airport, ddaan pa po b kmi s opd or emergency n poh?
thank you po.

1 09 2012
pghneuro

ER.

6 06 2016
noreen

good day po ,

na diagnose po kasi ang anak ko na merong pituitary microadenoma, nakita po sa result ng MRI nya. kelangan na po ba nya agad agad maoperahan?
saka kung sa charity po sya mga magkanu po kaya ang kelngan namin ihanda para sa operation .

11 06 2016
UP-PGH Department of Neurosciences

Please schedule a consult at the Neurosurgery OPD. Wednesday and Friday afternoons.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: